Please read the Guidelines that have been chosen to keep this forum soaring high!

#2570 - Your Luminescence (Ang Iyong Liwanag)

Hindi ka gagawa ng kahit ano mang bagay na hindi mo gustong gawin. Di ito nagangahulugan na ikaw ay mabubulok. Alam mo yong mga dapat mong gawin, at gagawin mo ito.
Tulad sa ikaw ay lumalaki sa liwanag, tuturuan mo ang iyong sarili na manguna para sa pangmalawakang serbisyo. Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng ilawan ang mundo? Hindi mo maiilawan ang mundo sa paglalagay mo nang takip sa iyong liwanag. Pakikislapin mo ito.

Pakikislapin mo ito kahit saan. Makikita mo ang iyong sarili na makagawa ng mga bagay na ni hindi mo naiisip na kaya mong gawin noon. Tulad sa pikikislapin mo sa pangmalawakan ang liwanag. Makikita mo na mas maganda nga ito. Ang mundo ay nagapapahayag ng kusa sa iyo. Makikita mo ang mundo na mamumulaklak. At pipili ka ng mansanas para ipamigay.
Sa kadiliman, mahirap tukuyin kung saan ang tamang daan patungo sa iyong patutunguhan. Sa liwanag, mas madali. Ang iyong daanan ay maliwanag. Ikaw ang ilaw na sinusundan mo. Ang sinag ng araw ay dadaloy galing sa iyong puso, at ang mundo ay magiging maliwanag dahil sa iyo.

Kung ang liwanag mo ay di pa makapagbibigay liwanag sa mundo, ito ay dahil sa pinaikot mo sa malabong liwanag. Maaari mo nang sinihan ng buong liwanag ngayon ang iyong ilaw. Wala kang dapat na itago, at wala kang dapat itago sa sarili mo. Ikaw ay makikibahagi ng iyong liwanag. Pasasabugin mo ito. Ito ay magpapalaganap ng pagmamahal.
Ang una kong pasabog na liwanag ay nakasindi pa rin. Ikaw ay mamamahagi para sa mundo katulad sa kung papaano ako namahagi para sa iyo.

Makikita mo ang iyong liwanag, sindihan mo ito, at ipamana mo ito ng tuluyan. Ang iyong liwanag ay hindi titigil sa pagkislap. Di ako nagbibiro.

Kung aalisin natin lahat ng mga bagay na ginawa mong takip sa iyong liwanag, malalaman mo kung gaano kalakas ang iyong liwanag, at susundan mo ito kahit saan ka man dalhin nito. Maaabot mo ang pinakamatayog na mga bituin. Ikaw ang pinakamalaking bituin sa kalawakan. Madidiskubre mo ang iyong sarili. Madidiskubre mo ang iyong lugar dito sa mundo.

Sa tingin mo ba ang mundo ay hindi naghihintay sa iyo? Sa tingin mo ba ang mundo hindi ka iniihipan para masindihan? Sa tingin mo ang mundo ay hindi nangangailangan ng iyong liwanag, o hindi ka kinakailangan para magbigay? Naiisip mo ba na meron pang ibang rason para sa iyo kung bakit nandito ka sa lupa?

Maiisip mo na ginawa kang nag-iisa para maging katuwaan ko, na nakakita ako ng kahiligan sa paglalagay ng alinsangan sa mundo at gumawa ng magagandang bagay? Naiisip mo ba na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa sarili ko kaya ako nagpakatanga at nilkha ka? Hindi minamahal, merun akong magandang mithiin kaya kita nilikha, ang sarili kong tunay na pagmamahal. Di ka palipasan lamang. Ikaw ay napakaimportante. Siguro maiisip mo na hindi ka ganun kahalaga. Ang nakakalungkot isipin ay yong katotohanan na hindi mo alam kung gaano kalaki ang iyong kahalagahan. Ayaw mong alamin. Naiisip mo na merun nakatagong lugar sa kung saan na pumipigil sa iyo.

Walang nakatago. Lahat ay nalalaman. Ngayon, nasa sa iyo kung patuloy mong pakintabin ang iyong liwanag sa pagkislap. Nagawa kong pakintabin ang iyong liwanag nitong nakalipas, naghinintay ng pagkakataon kung kelan ka magigising sa katotohanang ito. Gumising ka na ngayon. Ikaw ay kaganadahan ng nasusunog na liwanag. Maliwanagan ang iyong kinalaman. Halika sa aking liwanag at pakislapin mo yong sa iyo para ipakita sa mundo. Sa iyo, naniniwala ako.

Ikaw ba ay naghihintay ng senyales? Ang buong mundo ang iyong senyales. Kahit anong kabigatan ang iyong mararamdaman sa iyong puso ay siya mong maging senyales.

Ako, Panginoon, and iyong senyales. Ang ediya na ako ay nag-iisa ay ang iyong senyales. Na yong buhay mo ay ang iyong senyales. Kailangan mong maghintay para sa wala. Kailangan mo lamang tumakbo ng matulin at ayusin ang iyong sarili. Hihintayin kita rito para samahan ako sa nagkikislapan at malalaking liwanag dito sa mundo.

(Ang Pagpapalit ng salitang Enenglish sa salitang Tagalog ni Lea Cabuguas)

Hurray! How wonderful to see

Hurray! How wonderful to see Heavenletters in Tagalog, the official language of the Philippines. Thank you so much.

One thing, dear Lea, will you kindly put "God said" in Tagalog up at the top of the Heavenetter every time you post it on the forum?

It's the copy of your translations that you email to Heaven where you would leave out God said.

A thousand blessings!

With love,

Gloria