#2571 - See the Rainbow (Panoorin Ang Balangaw)
Di ka na magiging mapagmamalaki. Kung ikaw ay may negatibong pag-iisip o nararamadaman, malalaman mo na ito lahat ay mga pagpapatibay lang ng paniniwala at damdamin. Ito lahat ay di na dapat pagkaabalahan pa, tulad nang, kung ikaw ay makakakita ng punongkahoy sa panahon ng taglagas, hindi ka mababahala na yong mga dahon ay nalalagas. Hindi mo dadamdamin na dapat yong mga punongkahoy ay palaging mayroon puspos ng tagsibul na mamaumulaklak.
Pagmamalaking paniniwala at damdamin mas nanaisin mong maging higit na halintulad sa isang gasgas na makikita mo sa iyong daliri.Makikita mo ito, gayonman huwag nang isipin kahit na ano pa lalo na ang tungkol dito. Ang gasgas ay hindi na makakapaggambala pa sa iyo. Ok lang na magkaroon ng gasgas. Di ito dapat bigyang pansin. Ito ay maihahalintulad sa papel na napunit na inihip ng hangin. Tulad nang may ilang bagay kang pagitain sa isang saglit na sandali.
Ikaw ay nakakaintindi na ang pagmamahal, sa pagkakaalam natin ay, hindi ito isang pakiramdam. Ang pakiramdam ay mga maliliit na bagay lamang. Ang pagmamahal ay napakalaki.
Ang iyong pakiramdam ay maihahalintulad ang kundisyon sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Walang labis kaysa ganyan. May ilang bagay na nangyayari, at ang iyong isipan ay nagdedesisyon nang tiyak na sagot na galing sa iyo ay kinakailangan. Ang sagot ay nabibigyan mo ng pangalan tulad ng galit o pagseselos.dahil ito ay nakaprograma na sa iyong sistema.
Katulad sa ikaw ay uunlad patungo sa ilwanag, magkakaroon ka ng kakaibang pananaw sa mga nakakaiiritadong bagay kumpara sa ngayon. Di ka na nakatali sa tiyak na kasagutan. Ay totong di ka na magiging apektado pa kahit kelan, kahit na makadama ka nang pagkabahala. Di ka na magkakaroon ng mga pag-aalinlangan sa mga bagay na nakasanayan mo. Ikaw ay di na matatawag na kasali sa grupo ng kaaway, katulad sa nakasanayan.
Di mo kinakailangang gumanti. Di mo kinakailangang makipag-away kahit ano. Ayaw mong makakakita ng kahit ano para makipag-away. Kung ikaw ay di nakikipag-away, ang iyong imahinasyon na kaaway ay mawawala. Di na siya makakalaw sa iyong liwanag. Kung ikaw ay di nakikipag-away sa kanya, di na siya makikipaglaban pa sa iyo. Di ka na nakakawili para sa kanya. Ni hindi na rin siya makakapagpatuloy pa kung walang kooperas-yon na galing sa iyo. Di ka na magkakaroon ng reaksyon ng may ngitngit. Di ka na magre-react.
Oh, minamahal, ikaw ay magkakaroon ng katulad sa isang nagbubukod-tanging magandang pagkakataon sa katotohanan na ang iyong mga pananaw ang may kautusang pinakamataas. Kung ang iyong pangitain ay nasa balangaw, ito ay nasa balangaw. Wala ito sa ibang mga bagay. Kung ang iyong pangitain ay sobrang tuwa na nasa balangaw. Bakit ito maghahanap ng ibang lugar para may kawiwilihan. Ang iyong pangitain ay di gugustuhing bumalik sa pinanggalingan. Sino ang magkakagusto na siya ay nakangiwi kung siya ay nakatingin sa balangaw – kelan siya nakatingin sa balangaw? Sino ang may kakayahang alisin ang kanyang paningin sa balangaw? Bakit gugustuhin ng kahit na sino?
Kung ikaw ay nasa pinakamataas na bahagi ng bundok, ikaw ay makakakita ng pinakamalawak na bahagi. Di ka tumitingin sa bawat detalye o anggulo. Kung ikaw ay nasa ituktok ng pangyayari, bakit mo gugustuhing makakita ng mga detalye para sirain ang iyong kagalakan? Ang katotohanan, galing sa taas kung saan ka nakatayo, hindi mo makikita ang mga nakakayamot na mga langgam it kuto. Di sila umiiral para sa iyo. Labas ng paningin. Labas ng isipan.
Kung ikaw ay makakalikha ng kalawakan sa iyong kaisipan, ni hindi mo na iisiping gumawa pa ng maliliit na bagay. Kung ikaw ay sa maliwanag na liwanag. Di mo gugustuhin ang kadiliman. Ni hindi mo na malalaman kung ano ang kahulugan ng kadiliman kahit kailan. Kung gayon bakit mo pagkakainteresan pa ang ganoon. Ikaw ay nakatitiyak na di mo mababaklas ang kadiliman sa liwanag.
Wala nang balikan, minamahal. Di ka na makakabalik ng may kaunting pahayag ng kinalaman. Di mo na pipiliin pa. Ayaw mo nang ibalik yong dating nakagawian mong pag-iisip. Habang ikaw ay papunta na sa liwanag. Iwanan mo ang mga dati mong nakasanayan. Di mo ito madadala at, sa parehong panahon. Uunlad sa liwanag. Ang mga nakasanayan mo ay magpapa-alinlangan lamang sa iyo. At sa gayon pipiliin mo yong maging malaya, at pipiliin mo yong maliwanag ang mithiin. Hindi yong dating paniniwala. Yong dati mong nga paniniwala sasakay sa isang motorsiklo palayo papunta sa isang desyerto. Na mag-iiwan ng kaunting alikabok sa dinaanan. Ikaw, na naglalakbay, huwag ng mag-iisip na tumingin pa sa iyong dinaanan. Ni hindi mo na rin gugustuhin pa. patuloy mong itutok ang yong mga mata sa unahang bahagi ng iyong patutunguhan. Sa tuwid na pamamaraan ka mangunguna.
(Ang Pagpapalit ng salitang Enenglish sa salitang Tagalog ni Lea Cabuguas)